Pati Prime Minister ng Canada Biniktima pa ng Fake News

Dear Ate Mocha and sa Alalay mong si TP,

Nag tandem pa talaga kayo sa pagkakalat ng lagim no? Maaring kaya pang palampasin ang mali mong spelling at grammar, pero yung sadyain niyong itwist ang story para mag fit sa narrative niyo kay Justin Trudeau, yun ang isang lantarang kabalahuraan. Your Tsuwariwariwap posted this. Resibo.

May pafeeling disappointed pang nalalaman ang alalay mo, yun pala twisted yung statement. Pareho lang at ng Manila Times na pinagkunan niya daw. Resibo.

Alam mo kung ano ang mali dito? Kasi hindi naman to ang sinabi eh, you change the word possible to impossible. Eto ang totoong sinabi eh. Resibo.

Wala na nga kayong nagawang mabuti dun, kung hindi magpaselfie at mang-away ng journalist tapos may ganito pang pagsisinungaling. Yung source niyo pa fake news din. Kadurdur.

Hindi ba kayo nahihiya na tag team pa kayong nagkakalat ng fake news? May mge bible verse ka pang nalalaman, pero ubod ka naman ng sinungaling.

Pinagloloko mo ang mga followers mo sa maling balita, ang masaklap pa ang sweldo mo ay halos 130k monthly pero ang trabaho mo ay magkalat ng lagim na fake new. Hidi ka na nadala.

Sino na naman ngayon sisisihin mo? Kasi di ba may pinapakasuhan ka dati dahil nag share ka ng fake news? Resibo.

Kasuhan mo Tsuwariwariwap mo, kasi nagkakalat ng fake news, ikaw naman na medyo kulang sa discernment share agad without verifying the details. Resibo.

Ang Top Tier sa mga propagandista ni President Duterte ay siya din ang Top Tier sa pagkakalat ng fake news. Kayo ang nakakasira sa imahe ng pangulo. Sira na nga, lalo pa niyong sinisira.

Huy, pasko na, mahiya naman kayo sa mga kasinungalingan niyo.

Yamot sa mga Palakang Nagkakalat ng Lagim,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *