Pati Grade 4, Papatulan ng Gobyernong Ito

Dear President Duterte,

Hindi ko maintindihan ang programa niyo sa droga. Bilyones na shabu, nakalusot pero wala man lang kayong violent reaction. Napromote niyo pa si Lapeña.

Nang nagkaroon ng panukala sa mga kandidato na mag drug test sabi ng administrasyon niyo hindi puwede kasi UNCONSTITUTIONAL.

 

 

Pero ngayon gusto niyong magkaroon ng mandatory drug testing mula sa Grade 4?

 

 

Ok lang kayo? 10 years old ang pinag uusapan natin dito. Naisip niyo ba ang magiging trauma noon sa mga bata?

 

 

Try niyo kaya muna ng hanapin ang salarin sa pagpapalabas ng bilyon ng bilyon na shabu. Or try niyo muna ng hulihin si Peter Lim.

Tantanan niyo ang mga inosenteng bata sa kalokohan niyo. Tse!

 

Yamot sa mga Walang Puso,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *