Pati ba naman Sundalo?

Dear PNP,

Nakakalungkot isipin na ang baril niyo pa ang kumitil sa isang sundalo na kagagaling lang sa Marawi.

Ayun sa mga testigo kukuha lang ng ID ang mga sundalo for identification, pinagbabaril niyo agad. M-16 rifle ginamit niyo, talagang patay agad. Hindi po ba uso ang tanong muna bago baril? Kailangan po ba baril agad?

Wag po tayong trigger happy mga sir. Ang dami nang nadadamay po. Imbes bayaning uuwi si PFC Bartolome, bangkay sya uuwi sa pamilya niya. Hindi siya namatay sa Marawi, pero sa kamay naman ng mga pulis sya namatay.

Sana magkaroon ng hustisya ang pagkamatay ni Sir Bartolome.

Naawa sa Pamilya ni Bartolome,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *