Pati ba naman Softdrinks ni Juan?

Dear Tatay Digong,

Matanong ko lang po ha. Galit po ba kayo sa mga Pilipino? Kasi yung priority bill niyo na House Bill 5636 or the Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) ay lahat na lang lalagyan niyo ng buwis eh.

Natuwa na sana ako kasi tataas ang take home pay ko,  pero halos lahat ng bilihin nilagyan niyo na ng tax parang lugi pa ako sa huli. At mas kawawa si Aling Bebang na nagtitinda lang sa kanto kasi wala naman syang take-home pay na tataas pero pareho namin papasanin ang pagtaas ng bilihin.

Tay, sabihin na natin na nagka additional ako ng 1500 sa net take-home pay ko ha. According to a price survey conducted by the DOF, the implementation of House Bill 5636 or the Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act could push the prices of sugar-sweetened beverages by two percent to as much as 140 percent. So ang increase ko lugi pa.

Tay 140%! Kasama dito ang 3 in 1 coffee, softdrinks, energy drink like cobra, zesto tapos yung pack ng ice tea/juice, pati yakult hindi niyo pinatawad!

So kung ngayon ang isang litro ng Coca-Cola ay 28 pesos pag naisa batas na ang priority bill mo, Tay magiging 50 pesos na! 22 pesos increase!

Tapos yung cobra na paboritong inumin ng mga driver kasi panlaban nila sa puyat, ngayon 21 na magiging 25, malamang pagdating sa tindahan 30-32 na yan. Luh, mataas na ang gasolina, pati inumin nila tumaas pa. Hindi malasakit ang ginagawa niyo Tay, PAHIRAP po.

Kung mahal ang softdrinks, mag juice na lang sana pero according to study ang Nestea at eight o’clock juice from 9 pesos magiging 20 pesos na, pagdating sa sari-sari store mas mataas pa!  Luh, grabe kaayo, lahat na lang may tax.

Namamatay na ang mahihirap sa Tokhang, yung mga naiwan nila mamatay din sa gutom.

Ang hirap sa inyo Tay, kayo ang nakipag harap sa China para mangutang, tapos kaming papahirapan mo pagbayad. Yung Dutertenomics na yan, sa gagawin niyong pahirap sa mamamayan ang dapat itawag diyan, DuterteMoronics.

Ang dagdag na buwis na ipapataw niyo sa mga negosyante ay ipapasa din nila sa taong bayan so ang resulta ang mga mayaman lalong yayaman at ang mahirap lalong hihirap…

Wala kayong awa Tay, tapos malalaman namin, ginagastos niyo pera ng bayan sa mga junket niyo!

Galit sa Walang Kosensya,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *