Pati Ba Naman Presyo Ng Semento, Pahihirapan Din?

Dear DTI Secretary Ramon Lopez,

Hindi niyo ba naamoy ang simoy ng hangin? Pasko na po. Pero mukhang may bago na namang pahirap kayong ibibigay sa consumer.

 

Gusto niyong icontrol ang importation ng semento by adding additional na buwis? Ok lang po kayo? Sa tingin niyo, saan ipapasa yan ng mga negosyante? Sa amin na mga consumer!

Nagpasa na ng position paper Ang PCA.

“The PCA, an association of construction contractors with membership nationwide, is strongly opposing any intended imposition of safeguard measures on imported cement. While safeguard measures on imported cement will favor local cement manufacturers, it will cause serious injury on the consumers and the contractors all over the Philippines,” the PCA said its position paper.”

At saka Kyah, saang butas niyo po hinugot ang figures niyo just to justify this decision?

 

Sabi niyo may increase sa cementc importation? Nangyari lang yun noong 2015 kasi may shortage sa supply. Pero sa year 2017 may 72 percent drop.

Nagbigay na nang warning ang PCA na ang mahihirapan talaga nito ang mamimili.

Matanong lang po kita ha. Alam niyo naman po na may “Build, Build, Build” di ba? At for sure milyon na bags ng cemento ang ginagamit dito? Kung may safeguard kayo sa importation ng semento at dadagdagan niyo pa tariff nila, hindi kaya maging cause of delay ito sa mga project? Inutang pa naman natin ang iba sa project na yan.

Ngayon nga niraration na ang semento sa karaniwang tao eh.

You know the law of supply and demand, Kyah? Pag konti ang supply niyan, tataas ang presyo. Sa tingin mo sino kawawa? Hindi ikaw kasi mayaman ka. Kami na mga karaniwang tao ang papasan sa karagdagang buwis na ipapatong mo. Kaya wag kang ano. Tse!

 

Nakakita ng Grinch ng Pasko,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *