Patay na, Pinupulitika pa

Dear VACC,

Pabibo na naman kayo kanina sa Ombudsman.

Sakay na sakay kayo sa SAF44 ha, pero sa mga batang to na nadamay sa karahasan ng Tokhang tahimik kayo.

Yang mga outrage niyo na yan, selective yan eh. Sobrang init ng ulo niyo sa Dilawan.

Like this Atty. Topacio, galit yan kay Pnoy kasi abogado siya ni GMA. And kita mo naman nasa likod talaga during interview ha, parang nuno sa punso na bumubulong .

At saka ano ang ginagawa ni 16 body guards Martin Diño diyan?  Ang layo ng SBMA ha. Nagleave ba yan para makisawsaw?  Hay naku baka may kamag anak pa na gustong ipasok si kuya sa gobyerno kaya todo pabibo sa pangulo.

Nang makita ko ang nanay ng nasawing si PO2 Nicky Nacino at sinabi niyang ipakita ang totoong hustisya.

Kinasuhan na po ang mga dapat may pananagutan, hintayin niyo sana po ang pag ikot ng hustisya.

Ma’am hindi po kayo pinabayaan ng administration Aquino, in fact base from the documents na nakuha ni PAB, aside sa house and lot na binigay sa immediate family at mga perang umaabot sa sobra sa milyon, meron pang scholarship at medical assistance ang mga bata, kasama pati mga kapatid niya na nakapagtrabaho, kayo po mismo humiling ng pangkabuhayan showcase worth P300,000, laundry shop, at photo copying business po ang hiniling niyo.

Alam ko po hindi na mababalik ang buhay ng anak niyo all pero sana wag po kayong magpagamit sa politika. Lalong hindi matatahimik ang anak niyo kung nasaan man siya ngayon. Yung manugang niyo at apo may sarili nang bahay at lupa. May scholarship at medical assistance ang apo niyo. Wag po sana kayong magpagamit sa pulitika.

Eto namang taga VACC may pinipiling crime na pinaglalaban. Pag sa EJK tahimik, bahag ang buntot kay Duterte. Pag sa mga kontra ng administration pabibo.

Hay naku dapat palitan ang pangalan, wag na VACC.  VASCC dapat. Volunteers Against Selective Crime and Corruption. 

Mga ipokrito. Pag sa EJK, tameme. Ngayon makikisakay sa isyu ng SAF44. Multuhin sana kayo!

Galit sa mga Ipokritong Unding,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *