Patay na naman ang Pera ng Bayan

Dear Secretary Martin Andanar,

May tanong lang po ako, ilang kapalpakan pa po ni Mocha ang kailangan mangyari bago niyo marealize na nagsasayang lang po kayo ng pangsweldo sa kanya?

Tapos yung solution niyo sa kapalpakan na ginagawa niya maghahire kayo ng mga  editor to monitor her post? Luh, grabe siya, ayaw talagang alisin si Ate Mocha, kahit super palpak na.

Yung mga editor na kukunin niyo, saan niyo po kukunin sweldo nila? Suntok sa buwan siguro kung umasa kami na ibabawas niyo sa sweldo ni Ate Mocha no? Syempre sa tax na naman ng taong bayan niyo kukunin.

Habang ang mga taga Marawi ay kumakain ng karton at dahon dahil walang makain, kayo naman po sinasalba si Mocha sa kapalpakan, at the expense of  taxpayer’s money.

Lubus lubusin niyo na po ang pambabalahura sa taong bayan, kunan niyo na rin po si Ate Mocha ng driver, make up artist at English tutor. Nahiya pa yata kayo eh.

Pera ng bayan ang winawaldas niyo, tubuan sana kayo ng konsensya.

Galit sa Makapal ang Mukha,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *