Patawang Computation ng NEDA

Dear President Duterte,

Yung totoo, the best and the brightest ba talaga ang mga cabinet member mo? Sino ang matinong tao sa panahon ng TRAIN law na magcocompute na kasya ang P10,000 sa pamilyang May limang member?

P3,834.00 monthly budget for food for 5 people? Seryoso?  Nakapunta na ba ang mga cabinet member mo sa palengke? Kasi kung ganyan ang budget niyo lumalabas na P127 lang daily ang budget nila sa pagkain sa isang araw. Grabe kayo, sa sobrang pag justify niyo sa kapalpakan ng TRAIN law, kung ano-ano na lang ang imbentong computation niyo. Simplehan natin ang paliwanag.

Bigas- 39/k x 3meals = 117

Noodles – 12/pack x 3 =36

TOTAL =  P153.00

Mr. President, kahit po bawat kain isang pack ng noodles ang ulam ng isang pamilya, hindi kasya ang computation niyo. Hirap na ang tao sa pagtaas ng bilihin. Unang phase palang ito ng TRAIN, dumadaing na ang mga Pilipino. How much more pag second phase na? Ang paghihirap ng bawat Pilipino ang pinapambayad niyo sa utang niyo sa China.

Hindi ito ang pagbabagong inasam ng bumoto sa inyo. Wala kayong awa! Kung totoo itong sinasabi ng gabinete mo. Subukan niyo silang paswelduhin ng 10k a month, tingnan natin kung makakaya nila. Tse!

Yamot sa Sinungaling,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *