Partylist Nahijacked Ng Mga Political Clan

Dear KaPAB,

Nakakapanlumo ang nangyayari sa partylist system natin. Dapat ang partylist nagrerepresent ng marginal sector or groups, including labor, peasant, urban poor, indigenous cultural, women, youth, and other such sectors as may be defined by law (except the religious sector).

Pero sa ngayon ginagawa na itong pami-pamilya sa pulitika. This midterm election eto ang kwento.

 

ALVAREZ

 

 

Si Pantaleon, re-electionist. Yung legal wife tatakbo bilang first nominee ng isang partylist group. Yung anak top nominee din ng isang partylist. Grabe sila no?

The Fariñases

 

Tatakbong Governor si Rodolfo Farinas, tapos yung anak na babae papalit sa kanya bilang Representative. Hindi pa nakuntento ang anak ay pinatakbo bilang first nominee ng isang partylist.

The Garins of Iloilo

Sharon Garin, partylist representative, nominee din ang pinsan. Si Janette Garin tatakbo bilang Congresswoman din.

The Abayas of Cavite

Yung anak na si Francis, Congressman ng first district ng Cavite, yung ama tatakbo din bilang partylist representative. Yung isa pang anak tatakbo din bilang partylist representative.

Feeling ng ibang kandidato, namamana ang pagiging partylist representative. Hindi na nakikita kung marginalized group ang nirerepresent nila.

Importante ang boto niyo mga KaPAB, kailangan ang piliin niyong partylist ay yung siguradong magsisilbi. Hindi family corporation.

Boto mo, mahalaga.

Maghahanap ng Matinong Partylist,

PAB

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/04/19/political-clans-hijack-party-list?fbclid=IwAR2oaOhysayNmiXLACFlL92YCxfOT48-wJTUFldcgaEiK5TGwCjSnjDI1tE

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *