Parang Noong Panahon Lang Ng Martial Law

Dear DILG Secretary Año,

Alam niyo naman siguro na nagsisimula pa lang ako bilang PAB, isa ako sa mga supporters niyo. Nang nilagay kayo bilang DILG, mataas ang expectation ko na baka matulungan niyong magbago ang mga pulis. Napanood ko ang video na ito.

Nagrereklamo kayo sa plot ng Probinsiyano kasi napapasama ang imahe ng pulis? Alam niyo po Sir, mabuting pulis si Cardo, kaya nga pinuri pa siya ni General Bato dati.

 

 

Sir, kung may sumisira man sa imahe ng mga pulis, sila mismo. Hindi ba dapat self regulation ang mangyari muna? Kailangan magbago ang mga pulis na nanggagahasa , yung pulis na pumapatay na walang due process at ultimo nga pagnanakaw ng kuryente ng pulis ginagawa na.

 

 

Sir, bakit si VP Leni Robredo hindi nagrereklamo? Ilang buwan na din masama ang imahe ni Vice President Lucas Cabrera di ba? Halos kasabay sa pagpasok ng character ni General Tirante na sabi niyo nagpapasama sa imahe ng mga pulis. Pero ni minsan hindi po siya nagreklamo.

Tama si Senator Bam, parang Martial Law dati kung saan pinagbawal pati ang cartoons na Voltes V. Huwag sana kayong maging sensitive po.

Huwag niyo sanang masamain ang mga suggestion ko ha. Alam ko naman na naiintindihan niyo kasi galing kayo sa AFP.

Ang kailangan madisplina ang hanay ng PNP at hindi ang Probinsiyanong teleserye.

 

Sumusubok na maging Taga-Payo,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *