Para sa Militante at Makakaliwa

Dear Militante at miyembro ng mga CPP/NPA,

Minsan hindi ko na po alam kung ano ba talaga ang inyong pinaglalaban eh.

Nagrally kayo sa lungsod umukopa kayo ng property na di sa inyo, pinagbigyan kayo ng pamahalaan at binigay na lang sa inyo, kulang pa rin?

Ngayon dumadaan ang bansa natin sa matinding pagsubok. Ang kaguluhan sa Mindanao ay hindi pa naaayos. Nagkusang loob tumulong ang USA sa atin sa pamamagitan ng pagbigay ng mga gamit panghukbo, anong ginanti niyo? Rally pa rin?

Bakit yung tulong na eroplano at mga kagamitan kaya niyo bang palitan?  Ang kaaway natin ay yung sumasakop sa Scarborough Shoal. Sa Chinese embassy dapat kayo nagrarally. Sabagay gaya ng iba takot din kayo kay Poon Duterte, Bff niya ang China eh.

Tapos ang mga kasamahan niyo pang CPP/NPA nag offer kuno tumulong sa Mindanao, pero anong ginawa ngayon? Ayon sa source ng PAB,

“Army Detachment at Barangay Buda, Marilog District, Davao City was been attacked by CPP-NPA it happened this morning while in after flag ceremony 1 Cafgu was killed and millitary has deployed more soldiers on the area some residents are preparing already for the evacuation if situation goes to worse as of the moment millitary and police conducts check point and clearing in area.”

Dumadagdag pa kayo sa gulo sa Marawi?  Di ba may peace talk na nagaganap?  Bakit niyo ginagawa ang mga to? Di na kayo naawa sa bayan. Rally doon, rally dito! Patayan doon, sunog dito. Aba sobra na ginagawa niyo. Hindi na tama!

Umuusok sa Galit,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *