Para ng Martial Law sa Boracay

Dear KaPAB,

Habang tayo dito sa syudad at normal ang buhay, ang mga kababayan natin sa Boracay ay puno ng pangamba. Malapit na ang April 26. Libo-libo ang mawawalan ng trabaho. Libo-libo ang mga kabataan na maaaring tumigil sa pag-aaral.

Eto ang mawawala sa 6 months closure ng Boracay.

36,000 ang mawawalan ng trabaho. Paano ang mga pamilya nila? 56 billion ang mawawala na kita. Anong magahawang assistance ng 2 billion na calamity funds?

Ilagay natin ang mga sarili natin sa kanilang kinalalagyan. Paano na ang bukas ng mga taong to?

Ang Boracay ay hindi lang lugar, ang Boracay ay ang mga tao ding nakatira doon.

May mga military na doon para magbantay. Ultimo pagcover ng media limitado na.

Para na silang Martial Law doon.

Sadyang walang awa ang Presidente. Mas mahalaga pa din ang mga Intsik kaysa mga Pilipino.

Naaawa sa mga Boracaynon,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *