PAOrensic na Walang Alam

Dear Atty. Persida Acosta,

Di ba sinabi ko naman sa yo na abogado ka hindi ka doctor? Pero hindi mo pa rin tinatantanan ang Dengvaxia issue kahit lagi ka na lang napapahiya. Yung pulis na sinabi mong namatay sa Dengvaxia iba pala ang kinamatay.

Tapos sinabi mo na naman to.

Kitang kita po talaga kung gaano kayo kaignorante sa autopsy no? Ano ang ginagawa ba ng ng katandem mo na si Dr. Erwin Efe, inaamoy lang tapos Dengvaxia na agad ang dahilan?

Luh, grabe sya oh. Eto ha sasabihin sa yo ang nabasa ko from the experts.

Ganito kasi yun bes, kung legitimate pathologist ka talaga at hindi mema pathologist gaya mo, alam mo na slicing up the internal organs is standard autopsy procedure. Kadiri man sa paningin mo kasi may pagka slow ka sa ginagawa nila pero normal yan, beshy.

Sa example nga ni Sir Paolo Macasaet sa twitter, eto daw ay example ng autopsy sa puso.

“This is an example of a sliced section of a heart that has myocardial infarction (heart attack). Simply removing the heart & looking at its external surface would not give this kind of morphologic information. The “sliced bread” method is key.”

So yung dialogue mo na parang slice bread, normal yan beshie. Kasi like this oh kailangan hiwa hiwain talaga.

Para mailagay sa microscope at malaman kung anong dahilan kung bakit nategi ang isang tao. Mahirap mag imbento gaya ng ginagawa ng ibang feeling forensic experts.

Ayan oh, pinagtatawanan na tayo sa ibang bansa.

Kasi dahil sa kalokohan niyo ang daming mga magulang na ayaw ng magpaturok ng kahit anong vaccines. Mas maraming magkakasakit.

Uulitin ko, hindi ka doctor, abogado ka. Wag kang imbento. Ni hindi mo nga alam ang process ng autopsy eh. Kaloka to. Epekto ba yan ng Chin Chun Su? Tse!

Yamot sa mga Memang Palaka,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *