Paolo Duterte Expose!

Dear KaPAB,

Nag recant na ang witness sa testimony niya. Oras na siguro na dapat nating balikan ang mga pangyayari para hindi malimutan ng taong bayan.

Nagsimula ang lahat ng to ng ng pinatawag si Mr. Taguba as a resource person ng mga kaalyado ni Duterte. Hindi siguro nila iniexpect na madadawit ang anak ni President Duterte na si Polong Duterte.

Pagkatapos, madaming pictures na ang lumabas sa social media na kasama si Polong ng mga alleged involve sa smuggling tulad ni, Kenneth Dong at Charlie Tan.

Ang picture palang na to, enough na sana para ipatawag si Polong Duterte, pero patuloy na tinutulan pa din nila Gordon at mga Senador na kaalyado ng pangulo.

Nabanggit na ito si Charlie Tan ni Lascañas before. Napasama din sya sa expose ni Senator Lacson. Pero ayaw pa ring imbitahan ng blue ribbon committee. Yung malamyang expose ni Lacson na iniiwasan na mamention si Paolo Duterte. Tapos naglabasan na ang mga picture na to.

The next day ng expose ni Lacson, nagkaroon din ng expose ang grupo ni Faeldon, involving the son of Senator Lacson na si Pampi Lacson. Cement smuggler daw ang anak ni Lacson ayun kay Faeldon.

Tapos yung isang kasama sa picture sa may kanan, si Nilo “small”Abellera na nabanggit sa testimony ni Taguba na nabigyan niya ng 5 million ay bata pala ni Polong Duterte.

Ang dami nang pictures at ilang beses nang nabanggit ang pangalan ni Polong Duterte pero para kina Gordon, hindi pa rin sapat na ipatawag si Polong Duterte.

Noong nakaraang hearing, nabanggit na din ang son in law ni Duterte na si Mans Carpio. At may picture din na lumabas.

Pero ang mga nabanggit na pangalan ni Taguba para kay Gordon ay hindi pa rin sapat para ipatawag ang member ng pamilya Duterte na involved.

When the heat is too much, ang dami nang diversionary tactics na ginawa like ang bird flu eh matagal nang problema yun, biglang naexpose.

Yung one-time-big-time na sobra 50 ang namatay para lang sa iilang gramo ng shabu. Feeling ko yun diversionary tactics din yun.

At sino ba naman ang makakalimot sa nangyari kay Kian delos Santos?

Pinagluksa ng taong bayan. Nagrally ang mga tao. Siniraan sa social media ng mga DDS trolls. Binalahura nila Mocha, Sasot, Thinking Pinoy, Cañete at iba pang propagandista. Tapos nang hindi na kaya, mismo ang Supremo na ang nakipag-usap.

Lahat ng to diversionary tactics.

Kamakailan lang pinagtanggol ni Duterte ang anak na nasa ukay-ukay business daw. Tapos bigla may napabalita na,

Nagkataon lang or may nagsusunog ng ebidensya?

Alalahanin natin na hindi ito ang first time na nabanggit ang pangalan ni Paolo Duterte sa smuggling. Yung testimony ni Matobato na personally sya nagdeliver ng 3 million as suhol for smuggling. Nabanggit din ni Matobato na ang may control ng Sasa Wharf,Davao City sa pag smuggled ng rice at oil ay si Paolo Duterte.

Wag nating kakalimutan ang mga documents na naglabasan.

Reports ng NBI na nabanggit ang pangalan ni Paolo Duterte.

Report ng anti smuggling group.

Ang dami nang mga ebidensya ang lumabas pero para kay Gordon at Sotto ay hindi pa rin dapat imbitahan si Paolo Duterte, pinagloloko na yata tayong mga Pilipino ng mga taong to.

Ngayon inaatras ni Taguba ang kanyang testimonya wag nating hayaan na makalimutan na lang ang kasong to. Kung pumapatay sila ng sobra 30 katao dahil lang sa 260grams if shabu, bakit natin hahayaan makaligtas ang mga taong involve sa 650 kgs if shabu?

Ang pinaglalaban natin dito ang katotohanan.

Para sa Bayan,

PAB

Sources: Rappler and mciwordpresscom

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *