Paolo Duterte: A Man with a Dragon Tattoo

Dear Vice Mayor Paolo Duterte,

Napanood ko po kayo kanina sa hearing. Ang bigat nang binitawan na salita ni Senator Trillanes. Chance niyo na sana yan na pahiyain sya kung hindi totoo ang sinasabi niya tungkol sa inyong tattoo. Pero you invoked the right to privacy.

Kung totoo na member kayo ng triad, maaring yan ang dahilan na kahit dekada na ng pinapamahalaan niyo ang Davao, talamak pa din ang shabu kasi kayo pala supplier.

Kung totoo na member kayo ng triad, yung pagpatay sa kay Parojinog at Espinosa ay isang process ng “eliminating the competition “.

Kung totoo na member kayo ng Hongkong triad, baka yan din ang dahilan kung bakit buhay pa si Peter Lim, kasi baka kaberks mo sya sa negosyo sa shabu.

Kung totoo na member ka ng triad, walang saysay ang Tokhang project ng Presidente, kasi po habang namamatay ang libo-libong small time drug suspect, ang biggest supplier ay nabubuhay sa katauhan mo.

Kung totoong member ka ng triad,  ikaw dapat ang ikulong ng ama mong presidente kasi ikaw ang dahilan kung bakit nakakapasok ang bilyong droga sa bansa.

Kung totoong member ka ng triad, dapat magresign na ngayon ang ama mo kasi nakakahiya na ang anak niya bigtime pusher and dealer tapos ang mga mahihirap ang mga namamatay.

Tanong ko lang po, kung wala talagang basehan ang bintang ni Trillanes, bakit hindi niyo pinakita ang tattoo niyo kanina?

Unti unti nang lumalabas ang katotohanan kung sino ang tunay na drug lord.

Nagdadasal ng Karma Para sa Drug Lord,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *