Pantay Na Karapatan at Proteksyon Ang Hangad Nila

Dear KaPAB,

Alam ko magkakaroon na naman ng mainit na diskusyon sa stand kong ito.

Pero kahapon nasaksihan natin ang isang uri ng diskriminasyon sa kapatid nating transgender na si Gretchen Diez.

 

Yes, kapatid natin siya at hindi magbabago yun, anuman ang kasarian na piliin niya.

Dahil gusto lamang niyang umihi sa female CR, kinaladkad siya, sinaktan, pinahiya at pinosasan. Tama si Senator Risa Hontiveros.

 

 

Unfair yung ginawa kay Gretchen. Pero sa nangyari kahapon narealized ko din na malayo pa ang lalakbayin natin pagdating sa pantay na pagmamahal at respeto sa LGBTQ community.

Aaminin ko, kahit ako din recently lang natuto sa SOGIE and I am still work in progress. Nagkamali din ako dati. Buti na lang may mga tao sa palibot ko na nagpa-intindi sa akin. Kagaya ni Ms. Inday Varona, Jonas Bagas, Vince Liban, Jeff Crisostomo at marami pang iba sa social media.

Dapat nating maintindihan kung ano ang pinaglalaban nila sa mundo na ating ginagalawan.

 

 

Kagabi nagkaisa ang lahat para tulungan si Gretchen, na kahit nakaposas ay taas noo pa din.

 

 

Marahil kasi alam niya na hindi lang karapatan niya ang pinaglalaban niya dito.

Dumating si Cong. Geraldine Roman. Nagpakita ng suporta.

 

 

At nagkaroon din ng statement si Mayor Joy Belmonte.

 

 

Sana matutukan ng city ang pag orient sa mga empleyado Ng mga establishment about SOGIE. At sana matutunan din tanggapin ng buo ng mga tao ang ang ating mga kapatid sa LGBTQ community.

Hindi nagfile ng kaso si Gretchen against the janitress. Sabi nga ni Vince Liban:

“Minsan, dapat nating intindihin na maaaring hindi pa alam ng mga staff ang SOGIE, lalo’t kung marunong naman sila magpakumbaba.

Minsan, hindi kapwa ang kalaban, kundi mga institusyon.”

 

LGBTQ Ally Hanggang Dulo,

PAB

 

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *