Panic Mode na ba, Mr. President?

Dear President Duterte,

Lahat na lang pinagbantaan mo kahit ginagawa lamang nila trabaho nila.

Kung talagang totoo ang sinasabi mo po na wala kayong tinatago then wala kayo kailangan ikagalit. Resibo.

Hindi niyo kailangan pagbantaan sila kung walang anomaliya ang bank accounts niyo. Resibo.

Ayun sa report ng bank records mo na naipasa sa Ombudsman as much as 50 million ang pumapasok sa account niyo in one transactions. Resibo.

Kung legit naman ang perang yan, all you got to do po is to sign the waiver.

Hindi ba kayo naaawa sa supporters niyo?  Hirap na po silang ipagtanggol ka, kasi nga naman ang sagot mo sa mga akusasyon sa yo ay puro pananakot. Para kayong manok sa kulungan na malapit ng katayin. Putak ng putak kahit wala na sa hulog.

Binoto kayo ng bayan, kasi akala nila malinis kayo at walang bahid ng corruption. Binoto kayo kasi akala nila magandang pagbabago ang dala niyo po, yun pala madugong pagbabago .

Hindi niyo po maloloko ang taong bayan forever. Madami nang nagigising. Nakikita na nila ang totoong ikaw.

Kung talagang matapang ka at walang ginawang masama harapin mo ang kaso, wag mong idaan sa takutan. Oo, nakakatakot ang pagmumukha niyo, pero sanay na kami sa takot, handa na ang karamihan labanan ang pang aabuso at kasinungalingan niyo po.

Yamot sa mga Matapang lang kung may Fentanyl,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *