Panibagong Pakikibaka

Dear KaPAB,

Wala itong resibo. Galing sa puso ko lang. Ngayong araw po na to, magsisimula po ako magfile ng series of cases. Tatlo po silang kakasuhan ko. Ngayong araw ang isa. Next week po ang dalawa.

Kung napansin niyo medyo natagalan bago ako nagfile kasi sobrang pinag-isipan ko po talaga. Hinintay ko na baka naman tumigil ang mga atake nila sa pagkatao ko. Hindi na sana ako magsasampa ng kaso. Pero patuloy pa din nilang binabalahura pagkatao ko.

Tumigil ako sa pag aaral in the middle of the semester dahil sa pagbabanta na natatanggap ko. Sana 2 years na lang. Ngayon, mukhang maeextend na naman ako. Tumigil din ako sa trabaho for a month.

Alam ko po pader ang babanggain ko. Wala pong administrasyon o mandaramBong na susuporta po sa akin. Kaya lang kailangan ko pong maging matapang, kasi kung ginawa nila to sa akin kayang kaya din nila gawin to sa iba.

Magastos po ang kaso, pasalamat ako kay Atty. Florin at sa ALAB lawyers and my friend Atty. Jego na tinanggap nila ang kaso ko na walang hininging bayad.

Criminal and civil cases po ang ifafile ko, sa criminal case walang problema kasi wala naman pong bayad. Ang civil case po ang may filing fee.

Many of you, were asking me how can you help financially sa laban ko po. Mas maganda po siguro na idiretso na lang po sa ALAB ang tulong. Kasi po kahit po panggasolina wala po silang hinihingi sa akin. Sila po ang mga lawyers na tumutulong kay Senator Leila at Senator Risa Hontiveros.

Nung natanggap ko po ang 13th month pay ko, nag offer ako na ibigay sa mga lawyers ko kasi nahihiya na din naman ako, pero hindi nila tinanggap. Sabi nila gamitin ko na lang sa chemotherapy ng Mama ko. Alam kong gumagastos sila sa printing sa gasolina using their own money. Kaya sobra po ang pasasalamat ko, lalo na kay Atty. Florin.

Yung mga nag offer po ng tulong sa akin, mas gugustuhin ko pa pong idiretso na lang niyo po sa ALAB, at wag na pong dumaan sa akin ang pera. Eto po ang account number nila:

BDO acct:
Alyansa ng mga Abogado ng Bayan, Inc.
006528013034

Kung sakaling magdeposit po kayo, puwede po paemail niyo na lang po sa [email protected] or send me a message sa page ang resibo po para po malaman ng ALAB na the money was intended for PAB’s cases.

Alam ko po mahaba pa po ang lalakbayin ko po, pero kakayanin ko. Lahat ng sakit at pambabalahura na ginawa nila sa akin titiisin ko po. Patuloy po akong magsusulat. Kasi sabi ko nga po,

ANG PAGMAMAHAL KO SA BAYANG ITO AY MAS NAKAKAHIGIT PA SA TAKOT KO SA ADMINISTRASYONG ITO.”

Sa lahat ng PAB sa iba’t – ibang panig ng mundo, maraming salamat po! Kayo po ang nagsisilbing lakas ko po kaya patuloy po akong lumalaban against fake news and katiwalian. Kayo po ang inspirasyon ko. Kung wala po kayo, wala tayong PAB. Salamat po talaga.

Tayo Si PAB,

Jover Laurio

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *