Panibagong Pahirap Dahil sa TRAIN ni Duterte

Dear President Duterte,

Alam niyo naman na staple food ng mga Pinoy ang rice.  Noong January pa lang may mga reports na nanagsasabi na maaring tumaas ang presyo ng NFA rice, pero hindi kayo nakinig pinilit niyo pa din ang TRAIN.

Dumating sa punto na depleted na ang NFA rice na halos nakikipag agawan na ang mga tao sa pagbili sa kakulangan ng supply sa merkado. Sa dalawang taon niyong panunungkulan halos gapang ang mga mahihirap sa taas ng presyo ng bigas.

6 months na halos pinahirapan niyo sila. Eto ang comaprison ng presyo oh.

Halos tatlong piso ang tinaas. Bakit po imbes guminhawa ang mga Pilipino ay lalong nahirapan under your administration? Mataas pa ang presyo dahil sa TRAIN tapos minsan kinukulang pa sa supply, na lalong nagpataas ng presyo. Bakit po naman umabot sa ganito?

Hindi ba kayo naawa sa taong bayan at hinintay niyo pa ang 6 months bago kayo nakakuha ng bigas from Vietnam? TRAIN at incompetence ng mga tao yata sa NFA ang nagpapagapang sa mga tao sa hirap.

Pinangakuan niyo ang mga tao ng kaginhawaan, pero pinapatay niyo naman sila sa gutom at kahirapan. Grabe kayo!

Yamot sa Presidenteng Walang Awa,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *