Panibagong Kabastusan ni Duterte

Dear President Duterte,

Ang laki ng problema niyo pag babae no? Sirang sira na nga tayo sa international community, dinadagdagan niyo pa araw-araw. Eto na naman ang panibagong kuda ninyo.

Grabe kayo no? Kahit wala naman syang ginagawa sa inyong masama, binastos niyo siya. Kung tutuusin dapat ngang magpasalamat kaayo kasi binibigyan niya kayo ng advice para sa ating ekonomiya.

Binalaan niya lang kayo na pag pinatupad niyo ang second phase ng TRAIN, ay manganganib ang ating ekonomiya. Totoo naman po di ba? Ang taas na ng inflation rate. Ang taas na ngayon ng bilihin, paano na lang pag second phase na, malulugmok sa kahirapan ang mga Pilipino.

Ngayon instead pasalamatan mo si Christine Lagarde, binastos mo pa.

Huy, pinagtatawanan na mga OFW natin sa buong mundo, wag mo namang babuyin ang bansa.

Ang kabastusan ay hindi ginagawang hobby. Wag ganun!

Galit sa Bastos,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *