Bakit Ayaw ko nang Manalo si Pacquiao?

Dear Manny Pacquiao,

May laban ka pala bukas sa boxing. Halos hindi na napag uusapan sa bansa natin, madami na po kasing nagdamdam.

Bakit gusto kong matalo ka?

Kasi baka po makaramdam ka ng talo uli, ay tumapak po ang paa niyo sa lupa at matutunan niyo po maging tao.

Kasi baka po pag matalo ka matutunan mong tanggapin na ang lahat ng tao ay mahal ng Diyos anuman ang kanilang kasarian.

Kasi baka po pag matalo ka hindi mo na gagamitin ang bibliya para majustify ang Extrajudicial killings at death penalty.

Kasi po baka pag natalo ka,  hindi ka na po maging sipsip kay Duterte at makiayon sa mga gawaing hindi tama.

Kasi po baka po pag natalo ka,  magagampanan niyo na po ang tungkulin niyo bilang senador at hindi na kayo absent ng absent.

Sinungaling po kayo eh. Sabi niyo pag nahalal na kayong senador hindi na kayo lalaban uli, Anyare?

Saka wag niyo na po kaming utuin, hindi po kayo lumalaban para sa bayan, lumalaban kayo para po sa pera.

Kung manalo kayo, oh di mabuti, kung matalo po kayo eh di balik senado kayo at gampanan niyo tungkulin sa taong bayan. Di na nga kayo nagbabayad ng tamang buwis, sinasayang niyo pa ang buwis na pansweldo sa inyo.

KO ang taong bayan sa inyo eh. Sana ikaw naman maTKO bukas.

Galit sa Sinungaling,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *