Panggigipit Sa Oposisyon, Tinuloy Pa Din Ni Calida at CIDG

Dear KaPAB,

Kanina nagfile ng counter affidavit nila ang oposisyon. Tinuloy talaga ang kaso sa kabila ng napakaraming butas ng testimony ni Advincula.

 

 

Matatawa ka sa ginawa ni Calida kasi may pinasa na bagong affidavit. Nakabingwit na naman ng isda ang CIDG at OSG. Si Atty. Sabio.

 

 

New evidence daw. Syempre Hindi pumayag ang mga abogado Ng mga respondents. Kasi kung nag iimbestiga pa, dapat isuspend muna ang proceedings. Hilaw ang isda, so bakit mo ipapasok sa dining room?

Maliwanag na isa naman itong  “fishing expedition” na kaso para gipitin ang oposisyon ayun sa mga counsel.

Well, di natin alam kung bakit si Sabio ang nabingwit. Pero isa lang ang klaro hanggang ngayon naghahanap pa din ng ebidensiya ang CIDG kasi maraming pahabol.

Tambak ang mga nakabinbin na kaso sa OSG pero ang daming time to assist Bikoy.

Kalurx. Mukhang tayo pa ang nagbabayad sa gumagawa ng affidavit ni Bikoy.

Hay naku.

Nayayamot Sa Mga Sinungaling,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *