Palpak na nga ang Turismo, Sisirain pa ang Kalikasan

Dear Secretary Wanda Teo,

Pangatlong sulat ko na yata ito sa inyo. First yung sinita kita nung ginawa mong cover photo ang mukha mo sa page ng tourism. Second nung pinuna ko yung pag call out mo sa mga embassy na magpaalam muna sa yo bago mag issue ng advisory. Eto ang pangatlo.

Nabasa ko na mukhang itutuloy nyo talaga ang Nickelodeon theme park sa Palawan.

Sana man lang bago niyo ituloy yan, pinag isipan nyo muna. Coron is one of the best tourism destination in the Philippines kahit pa nga sa buong mundo eh. Sisirain mo ang kagandahan ng Coron sa gagawin mo.

When Duterte appointed you, even my conflict of interest na involve because you own a travel agency, I gave you the benefit of the doubt. Baka nga naman magiging maayos ang pamamalakad mo kahit nabigay lang sa yo ang pwesto bilang pagtanaw ng utang na loob ni Duterte.

Nakita how you struggle sa trabaho mo from releasing an statement to your internal conflicts sa office. Maraming nakakarating na news kay PAB. Ayoko na lang isa isahin at hahaba pa.

Yang Nickelodeon theme park na proposal mo, napag isipan mo ba yan?  Nakita mo ba kung gaano kaliit ang airport ng Coron? Propeller plane lang ang puwedeng magland at hindi puwede ang night flights.

Coron doesn’t even have the infrastructure to support the influx of tourists. Naconsider mo ba ang ganyang scenario?

At ang pinakamalaking effect nito ay sa kalikasan natin. Secretary Teo, ang responsibilidad mo bilang Secretary ay hindi umiikot lamang sa pagdala ng tourist, dapat pangalagaan mo din ang kalikasan. Wag mong hayaan ang Coron ay mapareho kagulo sa Boracay.

Sana sa isyung ito patunayan mo sa mamamayang Pilipino na kahit nailagay ka sa pwestong yan dahil sa utang na loob ni Duterte sa pamilya nyo,  ay gagawin mo pa din ang tama.

Mapagmahal sa Kalikasan,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *