Palpak na Trabaho May Utang pa ang Pilipino

Dear Secretary Mark Villar,

Di ba po mahilig po kayong mag grab ng credit kahit ang project ay effort ng nakaraang administration? Sana pag may aberya akuin niyo din. Nitong nakaraang araw bumagsak ang beam sa ginagawang Skyway sa Osmeña Highway.

Pero ni isang salita wala po akong narinig sa inyo no? Pero pag tapos na ang project kahit hindi galing sa inyo, mabilis pa sa alas-4 ang photo ops at presscon niyo. I understand na this project ay sinimulan ng nakaraang administration pero isang taon na kayong nagsusupervise niyan and it happened under your management so dapat kayo ang may pananagutan niyan. Gumawa ng beam ng walang enough support?  Ano, parang Lego lang?

Anyway, yung “build, build, build” project niyo po ni President Duterte, mukhang palpak na naman yan. Balita ko China will finance the construction of the Binondo-Intramuros bridge in Manila, and the Estrella-Pantelon bridge connecting Makati and Mandaluyong. Ang masaklap lang kasi mukhang ang workers na kukunin ay galing sa China ayun kay Secretary Diokno.

Seryoso ba kayo?  Sa daming Pilipinong nangangailangan ng trabaho mag iimport pa kayo sa China ng trabahador?

Since plano niyo yan, just so you know, baka ang mga tulay na gagawin dito sa bansa natin ay matulad sa Kenya.

Ayan po oh, 2 weeks palang nagcollapse na! Palpak na nga na trabaho, sobrang laki ng interest pa ang loan na inutang niyo sa China. Mga to, hindi man lang nag iisip. Di pa nga tayo bayad sa kinurakot ng mga Marcos, dinagdagan niyo pa. Tapos just to keep up halos lahat ng bagay lalagyan niyo ng buwis.

Yang Dutertenomics na yan, dapat ang tawag diyan DuterteMoronics. Puro gastos tapos utang ng utang, di ba katangahan yun?

Yamot sa Tanga

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *