Palpak na lang lahat, Sec. Andanar?

Dear Secretary Martin,

Last week ang daming bloopers ng opisina niyo. Mula sa copy paste na report from China to the DOLE pineapple logo. Ayan oh, natroll tuloy kayo ng DOLE Philippines.

Akala ko naman ang solution na gagawin mo is bibigyan mo ng training ang mga staff mo na makakatulong sa kanila. But I was disappointed dahil ang ginawa mo ay takutin sila. Sabi mo,

“If they will not give an adequate justification to avoid disciplinary action, then I will send them to Basilan or Jolo.” 

I don’t know if narealize mo kung ano ang implication ng mga sinabi mo sa mga taga Mindanao. What’s with this administration at ginagawa niyo ng tapunan ng mga scalawags na pulis, ngayon naman mga underperformer na mga kawani ng gobyerno. HINDI BASURAHAN ANG MINDANAO!

Hindi na kayo naawa sa mga taga Mindanao, mahirap ang dinadanas nila ngayon, ang kailangan nila suporta at hindi pambabalahura.

Kung hindi mo kayang disiplinahin ang mga empleyado mo, then replace them with competent staff. Wag mo gamitin ang Mindanao na panakot kasi unfair po yun.

Kapalpakan niyo tapos ang magsa-suffer ang mga taga Mindanao? Luh, grabe sya oh.

Hire competent staff, wag OJT or troll. I know na sanay kang “maghandle” ng OJT sa previous job mo before, pero nasa Office of the President ka na. Dapat magaling na ang mga staff mo.

Ang laki ng budget nyo, sinasayang niyo lang sa kapalpakan.

Galit sa Palpak na Manyakis,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *