Palpak na Hirit ni Mocha Uson

Dear Mocha Uson,

Huy humirit ka na naman na wala sa hulog.

At ang source mo talaga si Fake news Tiglao? Na tao ni GMA. Yung project na sinabi diyan, alam mo ba kung kaninong project?

Yes , yung project kay GMA yan, so syempre pilit na jinajustify ni Tiglao.

Since tamad ka magresearch ako na lang magreresearch for you. Tama ka pinatigil ni PNoy ang project na yan.

Pero since tamad ka magbasa, persher hindi mo na inalam ang dahilan kung bakit pinatigil.

Kasi po overpriced and technically deficient. Kasi ganito ang plan.

Ayan oh.  Dredging lang gagawin. Tapos yung putik na makukuha ililipat lang sa isang side ng lake. Eh di wala din. Sa tingin mo mga ganoong project dapat bang ipagpatuloy? Tamad magbasa!

Since naghahanap ka ng masisisi, unahin mo ang poon mo. Sino nga ba ang nagtanggal ng pondo sa NOAH?

Baka hindi mo na naman alam ang NOAH ha. Iresearch mo na lang kung gaano kalaking tulong niyan sa mga ganitong kalamidad. Pero dahil sa administrasyon ni Duterte, tinanggalan ng pondo.

Minsan naman, mag research ka teh. Aba, sayang sweldo mo. Ako na lang lagi nagreresearch para sa yo. Mahiya ng konti ha.

Yamot sa Tamad Magresearch,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *