Walang katapusang kapalpakan ni Andanar

Dear Martin Andanar,

Di ba po, sinabi ko sa inyo na wag araw arawin ang kapalpakan?

Quotang quota na kayo sa linggong ito. Lunes, fake photo ng Philippines News Agency. Tuesday ang Honduras photo ni Mocha, Wednesday pinagtaguan nyo mga reporter, Thursday nag upload kayo nung Martial video, hindi nyo na pinatawad ang Biyernes, talagang ang pinalabas nyo sa website ng PCOO ay ang pelikulang LOGAN?  Yung totoo?  Pinagloloko nyo na ang buong Pilipinas?

Ito ang video:

Ano to isang linggong kapalpakan? Naiintindihan ko kung fan kayo ni Logan, pero dun kayo sa bahay nyo manood!  Wag sa website ng gobyerno!  Nakakahiya!

Once na palpak OK lang,  twice puwede pa, pangatlo medyo mabigat na yun, pero juiceko kinumpleto mo talaga ang buong linggo?

Please lang magresign na kayo!  Tumatanggap kayo ng sweldo tapos , puro palpak ang trabaho nyo.

Sagad na ang inis,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *