Palaban Na Si Kris Aquino

Dear KaPAB,

Hayaan niyong ikwento ko sa inyo kung bakit napuno si Ms. Kris Aquino. Siguro alam niyo naman na matagal nang binabalahura ni Mocha Uson ang mga Aquino. Pati nga di ba si Former President Cory Aquino ay hindi niya pinatawad. Kahapon nagkaroon ng eskandalo sa South Korea si President Duterte.

 

Eto si Mocha, sa kagustuhan pagtakpan ang kabastusan gumawa ng video at binastos na naman ang alaala ng mag asawang Cory at Ninoy Aquino. Bilang anak, nasaktan ng sobra si Ms. Kris Aquino. Kahit sino naman siguro mapupuno din sa kabastusan ni Mocha Uson. Tama si Ms. Kris, matagal siyang nagtimpi at nagpasensiya, sobra naman na talaga si Mocha.

Gaano man kabait ang isang tao, mauubos din ang pasensiya. Lalo na at paulit-ulit na binabastos ang mga yumaong mahal sa buhay. Kung akala natin Mocha couldn’t go any lower, but she actually could. Basura talaga.

May oras na puwedeng tumahimik, pero may oras din na dapat lumaban lalo na ang dignidad na ng mga mahal sa buhay ang nakasalalay. Sa puntong ito, saludo ako kay Kris Aquino.

Team Kris,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *