Pakihanap po ng Delikadesa ni Calida

Dear Solicitor General Calida,

Siguro oras na para pag-isipan mong magkaroon ng delikadesa at mag resign.

Ni hindi niyo nga masagot ang tanong ng mga reporter oh. Anong pinagsasabi mo na walang conflict of interest, eh kayo ang may ari ng kompanya. Pamilya niyo ang may ari.

Huwag pong masyadong makapal ang mukha, mahiya po kayo sa balat niyo. Alam niyo pong bawal yan. Milyon-milyon ang pinag uusapan natin dito.

Kung si Wanda Teo ay nag resign , siguro naman dapat lang magresign din kayo. Lakas niyong makatira kay CJ Sereno about sa SALN, pero yung kabulukan niyo pala, wagas.

Ang mga Pilipino sa pagpasan ng TRAIN, tapos kayo at ng pamilya niyo nagkakamal ng mga kontrata sa gobyerno habang Solicitor General ka? Wow ha, wagas ang gaspang.

Yamot sa Kurakot,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *