Pahayag Ni Vice President Leni Robredo

Dear President “Bukbok” Duterte,

Mukhang sinemplehan ni VP Leni ang pagsunog sa sa harassment niyo.

Pahayag ng Pangalawang Pangulo Ukol sa Pagdeklarang Walang Bisa ang Amnestiya ni Senador Trillanes

Ang desisyon ng Palasyo na ideklarang void ang amnestiyang binigay kay Senator Antonio Trillanes IV ay isa namang patunay na gagawin ng administrasyong ito ang lahat para patahimikin ang sinumang kumokontra rito.

Maliban pa rito, ginagamit ito ng administrasyon upang ibaling ang atensyon ng publiko mula sa mga kakulungan nito sa pagtugon sa mga problemang pumipilay sa ating bayan: ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ang shortage sa suplay ng bigas sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ang paghina ng ekonomiya, ang kaliwa’t kanang alegasyon ng korapsyon, at maging ang lumalalang daloy ng trapiko.

Walang lugar ang pamumulitika sa panahong nahaharap ang karamihan ng ating mga kababayan sa malalalim na problema tulad ng gutom, kahirapan, at kakulangan ng trabaho. Bilang mga hinalal na opisyal ng pamahalaan, ipinagkatiwala sa atin ang kapangyarihan para humanap na solusyon, at hindi para magsulong ng personal na interes.

Ang mga pag-atakeng ito ay hindi lamang nagbubuhat ng pagkakawatak-watak at kawalan ng pag-asa sa ating sambayanan. Tinatapakan nito ang mga mismong demokratikong proseso na nagpapatatag at nagpapalakas sa ating bayan.

Hinihimok natin ang administrasyon na kilalanin ang binigay na amnestiya kay Senator Trillanes, agarang itigil ang pagsasayang ng pera at oras ng taumbayan sa mga alitang walang katuturan, at sa halip ay pagtuonan ng pansin ang mga pangangailangan ng sambayanang Pilipino.

Tama sya ano? Yung solution niyo sa Bukbok Rice, Galunggong with Formalin, China grabbing WPS, High Inflation, Faltering Peso, EJK, Missing SHABU at Corruption ay HARASSMENT kay Trillanes.

Yamot sa Duwag,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *