Pagpupugay sa Pamilya ng ating mga Sundalo

Para sa mga magulang at mahal sa buhay ng ating mga sundalo,

Gusto po naming magpasalamat sa pagsuporta nyo sa mga anak niyo. Thank you for sharing their lives with us.

Alam ko po na hindi biro ang kabang nararamdaman niyo sa tuwing nababalitaan niyo na nakikipaglaban sila sa mga terrorista.  Siguro nga po hindi na mabilang na rosaryo at dasal ang nasasambit nyo sa araw-araw para sa kanilang kaligtasan. Bayani po ang mga anak nyo. Dahil sa kanila patuloy namin nararanasan ang kalayaan, bagamat ngayon nasa panganib ito pero may tiwala po ang taong bayan sa katapangan at kakayahan nila. Maraming Salamat po ha. Ipagdarasal namin ang kanilang kaligtasan.

Sa mga magulang at pamilyang, ng mga nasawing sundalo. Nakikiramay po kami sa inyong pagdadalamhati. At nagpapasalamat na din po sa sakripisyong ginawa ng mga anak niyo para sa bayan. Ang kanilang kabayanihan ay nakaukit sa puso ng bawat mamayang Pilipino. Sila po ang mga bagong bayani na titingalain ng makabagong henerasyon. Maraming maraming salamat po sa buhay nilang inalay para sa bayan.

Bagamat nasa kamay na sila ng Maykapal , ang kanilang mukha at mga pangalan ay nakaukit na sa aming mga puso. Hindi man nakikilala ng personal, ang kanilang kabayanihan ay aming maaalala magpakailanman.

Siguro nga po ngayon baka kinakausap na nila ang Diyos na proteksyunan ang kanilang mga “Bok” na naiwang nakikipaglaban pa dito sa lupa.

Tanggapin nyo po ang walang hanggang pasasalamat ng bawat Pilipino sa mga mahal niyo sa buhay na nagsakripisyo at patuloy na lumalaban para makamit ang kalayaan at kapayapaan sa bansa.

Lubos na gumagalang,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *