Pagkitil sa Karapatang Magpahayag Sinisimulan Na!

Dear President Duterte,

Takot po ba kayo kay Pia Ranada? Kay Maria Ressa? Kasi Rappler ang pinag iinitan niyo eh. Napapahiya kasi lagi kayo sa mga tanong nila no? You ordered this.

Alam niyo naman siguro na nangyari na ito sa panahon ni Marcos at Erap di ba? Alam mo naman siguro kung ano ang ending istorya nila. Sana sumunod ka.

Ito ay malinaw na supression ng karapatan ng mamahayag. Nakanti lang ang bata mo na si Bong Bilyonaryo, nagwala ka na. Hindi kasalanan ni Pia Ranada kung hindi makasagot ang bata mo. Resibo.

Sabihin niyo takot kayo sa strong women. Sa tingin niyo makakatulong ito sa kaso niyo sa ICC, lalo lang niyong pinagtibay na dapat na talaga silang mag imbestiga kasi pati karapatan ng mamamahayag ay kinikitil niyo na.

Ano ba kinagagalit mo? Kasi nireport nila ang totoong numbers ng EJK or binisto nila ang pangemgealam ng bata mo sa FriGate?

Mr. President, ang dami mo nang blogger na nagsisinungaling for you. Hayaan mo na sana ang Rappler, Inquirer at ang ibang media ang magreport kung ano ang totoo.

Luh, grabe sya babae lang ang kinakaya.

Man up, sa pagkukulang mo. Man up, sa kakulangan ng tauhan mo. Man up, para panagutan ang mga taong pinapatay mo.

Ingon ka isog ka? Talawekwek man diay ka.

Galit sa Abusadong Lider,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *