Pagkatapos ng CHR, PCGG naman

Dear President Duterte,

Matanong ko lang po bakit ang mga departamento na hindi umaayon sa pamamalakad niyo ay gusto niyong ipaabolish?  Una yung CHR kasi nilalabanan niya ang mga abusadong “tokhangers” niyo.

Ngayon naman ang PCGG (The Presidential Commission on Good Government ). Eto po yung department na inatasang to go after the ill-gotten wealth of the late dictator Ferdinand Marcos, his family, and his cronies.

Ganun po ba kalaki ang utang na loob nyo sa Marcos at ayaw niyo nang bawiin ng gobyerno ang ninakaw ng mga BFF niyo po?

Alam niyo ba kung magkano kinurakot ng mga yan?

Transparency International estimates that Marcos embezzled from $5 billion (P231.8 billion) to $10 billion (P464 billion) from 1972 to 1986 through shell corporations, real estate properties, and money in numerous offshore banks. 

464, 000,000,000.00! Daming zero no?  Ganyan po kalaki!  So far ang nababawi palang ng PCGG ay  P170,447,347,523.52 (or $3.6 billion) since it was created through Executive Order No. 1 in 1986.

It is also aiming to recover illegal assets worth P32 billion ($673 million) through 19 civil cases still pending at the Sandiganbayan.

May 32 billion pa po tayong babawiin. Kung hindi lang sakim  ito si Bongbong Marcos, matagal na sanang nabawi ang mga kinurakot ng pamilya nila. Kaya lang lagi niyang hinhadlangan.

Alam niyo ba na hanggang 2025 pa magbabayad ang taong bayan sa kinurakot ng mga BFF nyo?  Naman, Mr. President, wag naman po niyong pinapambayad na lang lagi ng utang na loob nyo ang mga Pilipino.

Tapos pinagfile niyo si Speaker Alvarez last March na batas,  seeks to expand the function of the Office of the Solicitor General to include the responsibilities of the PCGG.

Ang ibig sabihin nito ililipat niyo ang function ng PCGG sa kay Solicitor General Calida? Eh kilalang Marcos supporter yan eh! Luh, siya lagi niyo na lang pong niloloko ang mga Pilipino.

Kung hindi niyo “tinotokhang”, pinapambayad niyo naman sa utang. Tubuan naman kayo ng konsensya.

Galit sa Mapaglinlang,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *