Ang Pagkakaiba ng Mayaman at Mahirap sa Panahon ni Duterte

Dear KaPAB,

Nakalungkot ang mga balita ngayon na mababasa mo. Parang lalong tumaas ang agwat ng mayaman at mahirap.

Yung mga taong involve sa 6.4 bilyon na shabu, yung may ari ng warehouse, naabswelto. Resibo.

Pero yung caretaker na nagbabantay lang warehouse, kulong. Resibo.

Ngayon naman, yung mga mayaman na may kaso na tax evation na milyones abswelto. Resibo.

Pero yung salesclerk na kumain ng cornedbeef na nagkakahalaga ng P30, pinakulong. Resibo.

Nakakalungkot lang. Parang nawalan na ng compassion ang mga tao. Hindi ko sinasabi na tama ang sales clerk pero sana man lang sa halagang P30 pesos pinarusahan na lang nila like suspendehin or tanggalin sa trabaho, at ikaltas na lang ang P30 sa huling sweldo. Pero yung ikulong sa halagang P30 pesos, parang nawalan na ng awa ang mga taong gumawa noon.

Sa panahon ngayon ang mayaman lalong yayaman, ang mahirap kung hindi pinapatay, lalong humihirap. Yung mga mahirap na umasam ng PAGBABAGO ay PANGGAGAGO ang nakuha.

Sana ngayong pasko magkaroon ng pang-unawa at pagmamahal sa ating puso para sa ating kapwa lalo na sa mga kapus palad.

Naaawa sa Bayan,
PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *