Pagdakip sa Mga Tambay, Unconstitutional

Dear President Duterte,

Ano na namang itong pakulo mo? Pati mga tambay pinagdidiskitahan mo ha. Saan niyo binibase ang pag aresto sa kanila? Hindi ka isang magikero na magcrecreate lang ng law out of your whim.

Pati mga porter hindi niyo pinatawad.

FYI,  The vagrancy law (Art 202, RPC) has been repealed.

So ano po ang legal basis niyo sa  pag arrest ng  “tambays?”. Hindi porke yun ang utos niyo tama na kahit mali yun dapat ang masusunod? Last time I checked ang saligang batas, in this country were still passed by Congress, at hindi sa kapritso ng isang Presidente.

Hindi ka magikero para mag magic lang ng batas para magpasikat. Ang taas na nga ng unemployment rate, nagcoclose ang mga company dahil sa TRAIN tapos ang.pinagdidiskitahan niyo mga tambay?

Hirap na ang mahihirap, pero lalo niyo lang syang pinapahirapan. Yung drug lord nasa labas. Yung mga tambay ang pinagdidiskitihan niyo?

Ginamit mo ang mahihirap sa kandidatura mo, pero yung totoo you don’t care about them at all. Pinapatay mo sila sa pamamagitan ng EJK at sa gutom.

Hindi ikaw ang inaakala nilang pagbabago.

Yamot sa Sinungaling Manggagamit,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *