Pagbabanta ni Duterte kay Trillanes

Dear President Duterte,

Nagbabanta na naman po kayo sa mga taong sumasalingat sa baluktot niyong panunungkulan. Eto ang sinabi niyo.

May pabaril-baril na naman kayong pinagkukuda. Baka gusto niyong maalala yung may hinamon kayong dwelo dati.

Di ba po may hinamon kayo before sa Davao? Naalala niyo po ba si  Waldy Carbonnell?  Yung intellectual, professor, journalist, commentator? Di ba pinapunta siya ng National Press Club noon, para imbestigahan ang pagkamatay ni Jun Pala,  yung sinabi ni Lascañas at Matobato na pinapatay niyo? Galit na galit po kayo noon tapos hinamon niyo si Sir Waldy ng duwelo, eh pinatulan kayo? Syempre reporter yun daming pinag daanang panganib yun.

Sabi niyo pa nga,

Magdala sya ng dalawang magazine, dalawang bala lang sa akin! Kailangan alas 9 sa harap ng Davao City Hall nandun na siya. “

Dumating daw  si Sir Waldy Carbonell, eksakto, 9am. Wala naman po kayo  dun. Naghintay pa sila kasama ang mga media ng another 15 minutes, ni anino niyo hindi nila nakita. Tapos dumating ang 9:30 ni dulo ng buhok niyo daw po hindi sumulpot.

Luh grabe siya, atapang atao, abilis atago.  😂😂😂

Tapos ngayon nagbabanta na naman kayo,  pag pinatulan ka ni Senator Trillanes baka magtago na naman kayo ha. Eto po sagot ni Senator Trillanes.

Wag po kasing ganun, kung may sumasalungat kung hindi niyo nililista sa matrix niyo, binabastos niyo naman sa mga speeches niyo. Ngayon naman may halong pagbabanta na.

Wag na kayong maghamon ng duwelo or magbanta, hindi niyo yan malulutas sa kayabangan. Baka pag pinatulan kayo, taguan ang mangyari diyan.

Natatawa sa Abilis Atago,

PAB

Source: Manila Times

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *