Pag-usapan Natin Ang SOGIE Bill

Dear KaPAB,

Alam kong magkakaiba ang pananaw pagdating sa SOGIE Equality Bill. Pero ang tanong ko sino na ba sa atin ang nakabasa ng buong bill?

Kaya nagdecide ako na pag usapan natin ang SOGIE Bill. First, define natin ano nga ba ang SOGIE? What it stands for?

S- exual

O- rientation and

G-ender

I- dentity  and

E-xpression 

Ngayon pag-aralan natin ang mga words na mababasa natin sa SOGIE Equality Bill. Eto ang meaning ng mga term ayun kay Dr. Winlove Mojica.

 

SEX

Ito yung mga nakalagay sa application letter na minsan ang sinasagot ng iba, “Everyday” or MWF. Mali po yun.

Ang sex po ay,

Based on
– ari (titi, pekpek)
– chromosomes (XX, XY, XXY, etc)
– hormones (estrogen, progesterone, testosterone)

3 Sexes
– Male
– Female
– Intersex (in between)

Ang doktor ang nagsasabi kung ano ang iyong sex pag ikaw ay pinanganak.

GENDER

Mga bagay na tinuro sa yo na dapat mong gawin (role) usually base sa iyong sex.

Man – dapat naka pantalon, maiksi ang buhok, maglaro ng toy gun at toy cars, color blue, etc

Woman – dapat naka palda, long hair, maglaro ng manika at doll house, color pink, etc

GENDER IDENTITY

Ano ang nasa utak mo at gusto mo? Are you a Man or a Woman?

Cisgender – Kung ang SEX ay match sa kung ano ang nasa utak (may titi at iniisip na siya ay man)

Transgender – Kung ang SEX ay di match kung ano ang nasa utak (may titi pero iniisip na siya ay woman)

GENDER EXPRESSION

Paano mo pinakikita ang iyong pagiging Man o Woman?

Masculine – brusko, malaking boses, naka Barong Tagalog at pantalon,

Feminine – mahinhin, matinis ang boses, naka make up, blouse, at palda

Androgynous – pwedeng panlalaki o pambabae

SEXUAL ORIENTATION

Sino ang nagpapatibok ng puso mo? Kanino mo gustong makipag sex?

Heterosexual – opposite sex
Gay – Man to Man
Lesbian – Woman to Woman
Bisexual – gusto Man at Woman
Pansexual – Kebs! Attracted to all
Asexual – Dedma. Walang type.

SEXUAL BEHAVIOR

Ito ay isang activity / gawain. Hindi ito naka depende sa SEX, GENDER IDENTITY, SEXUAL ORIENTATION, etc.

Heterosexual sex- Pakikipagtalik sa opposite sex

Maniwala kayo ang mga taong ito nag eexist sa ating lipunan.

Ang SEX, GENDER, GENDER IDENTITY, GENDER EXPRESSION, at SEXUAL ORIENTATION ay independent of each other.

Ibig sabihin hindi porque naka palda ka gusto mo na lalake ang ka sex mo. Hindi porque feminine kang lalake gusto mong maging babae at gusto mong ka sex ay lalake.

Ang iba they want both. Ang iba naman gusto lalake sa lalake or babae sa babae.

Therefore lahat tayo may SOGIE.

Example:

Ang SOGIE ko ay

Sex – Female, Gender Identity ko is Cisgender, Sexual Orientation ko is Heterosexual.

SOGIE EQUALITY BILL

Eto ang section 5 ng bill na ibat-iba ang interpretation kaya nagagalit at natatakot mga tao.

 

Yung Section 5 , wala naman akong nakikita na masama dito. Di ba minsan ginagawang katatawanan ang mga kapatid natin sa LGBTQ community. May isa ngang senador na tinawag silang “parang mga hayop” eh. Minsan kinukutya sila sa trabaho nila. Yung ibang company pag gay ka minsan hindi ka tinatanggap. Sa military pag nalaman na bakla ka kukutyain ka. Yun ang ipagbabawal sana ng batas.

 

 

Kung napapansin niyo  madalas niyong mabasa sa provision ang phrase na “basis on SOGIE”.

Halimbawa may anak kayong tomboy tapos hindi tinanggap ng isang company kasi lesbian siya, mali po yun pag naging batas ang SOGIE Equality Bill.

Read the copy of the Senate version proposed bill here: https://t.co/K7XEDXcmyQ

Binasa ko siya. At walang same sex marriage sa SOGIE bill. Fake news po si Mocha.

Eto po ang highlights ng bill, in summary po, galing sa office ni Senator Risa Hontiveros.

 

 

Walang rights na mababawas sa atin. Bagkus it will only extend equal rights sa mga kapatid nating LGBTQ community.

Sabi nga ni Atty. Emil Marañon:

The #SOGIEEqualityBill is intended to forcefully correct an existing flaw in our economic, political, and sociocultural structures that prejudices LGBTQI or foster discrimination against them. They do not grant additional rights, but seeks to equalise existing unequal conditions.

Sabi nila bakit pa-special ang LGBTQ community? Bakit may sarili silang batas achuchu.

Mga KaPAB, hindi na ito bago na may sariling batas ang mga grupong marginalized sa ating lipunan dahil sa kakaiba nilang sitwasyon. Bigyan ko kayo ng halimbawa.

1. Anti-VAWC Law eto ang batas na nagbibigay protection sa kababaihan. Kahit may existing laws na against harrasment and abuse since ang mga kababaihan ay nakakaranas ng kakaibang sitwasyon ng pang-aabuso ginawa itong batas for their protection.

2.  Magna Carta for Disabled Persons – Ang batas na ito ay naglalayung proteksyunan ang ating mga “special” na mga kababayan.

3. Solo Parent Welfare Act – Eto naman para sa mga solo parent  na mag-isang tinataguyod ang kanyang pamilya.  I am sure maraming nakikinabang sa atin dito.

4. Expanded Senior Citizens Act  -eto naman para sa ating mga mahal na mga Lolo at Lola.

Hindi ko inaasahan na agad-agad maging ok sa inyo ang SOGIE Equality Bill. Nilatag ko lang sa inyo kung ano ang intention at spirit ng bill.

Nandito ako para ibigay ang tamang information para mapagnilay-nilayan niyo kung tama ba ang nararamdaman niyong pagkamuhi sa SOGIE Equality Bill.

Kung hindi man ngayon, sana dumating ang panahon na matanggap niyo ang mga LGBTQ na mahal niyo sa buhay, kaibigan at kakilala ng buong-buo at maging bukal sa puso niyo ang pagtanggap na gaya natin kinakailangan din nila ng kalinga, proteksyon at pagmamahal dahil sa kakaibang sitwasyon nila sa lipunan nating ginagalawan.

Kung pagkamuhi or pagmamahal nasa inyo po yan kung ano ang gusto niyong ilagay sa puso niyo.

Pero alam natin di ba na masarap pag pagmamahal ang nasa isip at puso natin di ba?

Kaya nga mahal ko kayo, anuman ang kulay, kasarian at katayuan niyo sa mundo na ating ginagalawan. Kasi gaya ni PAB pinagtatanggol niyo ang mga inaapi at sobrang mahal niyo ang bansa natin kahit minsan nakakaiyak na ang mga nangyayari sa gobyerno natin.

Mahal ko kayo ng sobra!

♥️💜💙💚💛🧡🖤

Mas Pipiliin Ang Pagmamahal,

PAB

 

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *