Pag Pinaglalaban Ang Bayan, “Shut Up” Agad?

Dear KaPAB,

Nakakalungkot lang kung gaano kaimmature ang Malacañang sa pagtanggap ng mga arguments na makakatulong sana para ipaglaban ang ating teritoryo.

 

 

Kahit tama naman naman ang sinabi ni Atty. Hilbay, na siguro kailangan maimbestigahan kung ano ang nilalaman ng verbal agreement ni President Duterte at President Xi Jinping.

 

 

Ang tanging sinabi ng Malacañang ay “Shut up”. So lahat ng pagkakamali ay hindi na puwedeng punahin?

 

 

Tama ang sabi ni Atty. Chel Diokno, tayo ang naagrabyado at sa teritoryo natin nangyari ang krimen, so dapat lang tayo mag imbestiga.

Alam mo ba sitwasyon ngayon sa Philippines Waters?

 

 

Dahil sa pagiging duwag natin para ipaglaban ang ating karapatan sa sarili nating teritoryo, sandamakmak na na mga dayuhan ang naglalayag sa ating karagatan. Na maaaring nakikihati na din sa ating mangingisda sa pagkuha ng likas na yaman.

Eto ang epekto ng kaduwagan ng administrasyon na to.

 

Yamot Sa Duwag na Traydor,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *