Pag Nagkataon, Paskong Kay Saklap

Dear Santa Digong,

May hihilingin po sana ako para po sa mga uuwing OFW natin. Puwede po paki imbestigahan ang nangyayaring “laslas maleta” sa NAIA? Resibo.

Ito na po ba ang kapalit ng laglag bala modus operandi? Santa Digong most of the OFWs voted for you po. Umasa sila ng pagbabago. May mga nabiktima na na iba. Hindi lang ito isang beses na nangyari. Resibo.

Maraming beses na po. Ang mga OFW natin, bawat pasalubong na dala ng mga yan, puhunan niyan pawis at lungkot. Pinaghirapan nila yan, tapos nanakawin lang?

Hindi po kasi puwede puro salita lang, na mahalaga sila, dapat po bigyan niyo din sila ng protection. Dati sa tanim bala, halos lahat ng mga propagandista niyo ipako si Pnoy. Sa kay PAB hihilingin ko lang po na bigyan niyo ng solusyon ang problemang ganito. Maawa po kayo sa kanila.

Ilang araw na tong lumipas pero wala pa ding statement kung paano ito lulutasin.

Sana po pag uwi niyo galing Japan, makausap niyo na po ang mga namamahala sa NAIA. Maawa po kayo sa mga OFW at mga dayuhan na babyahe para makita ang Pilipinas.

At eto pagpuna lang po, pakisabi kay Secretary Roque, wag syang magsayang ng hollow block. Mag ready sya ng maraming semento at graba kasi malayo layo pa ang pagbabagong inaasam ng bawat Pilipino.

Mas gusto ang Tanim Payo,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *