PAB’s Adventure In Taiwan

Dear KaPAB,

Parang kapamilya na ang turing ko lahat sa inyo kaya comfortable na ikwento ang pangalawang travel ko sa ibang bansa.

Yung isang Ninong namin sa kasal binigyan kami ng regalo ng honeymoon package sa Taiwan. Ginamit na namin siya last March 19.

Dumating kami sa Taiwan ng 11AM, dalawang oras lang ang byahe galing dito sa Pilipinas.

 

Maganda airport nila, malinis at malaki din.

 

Bago kami umalis ng Pinas nalaman namin na may Wi-Fi for rent pala sa airport where you can have unlimited internet sa duration mo ng stay sa Taiwan. You can purchase it via Klook at doon mismo mo kukunin sa airport.

 

 

However kailangan may credit card ka. Kasi parang guarantee na isosoli mo siya sa kanila. The gadget cost around P 11,000.00.

After immigration, nagpapalit na kami Taiwan dollars doon mismo sa money exchange sa airport.

HOTEL

Sinundo kami ng service ng hotel. Maganda ang Ximen Citizen Hotel kasi nasa Centro talaga siya. Walking distance sa night market.

Malinis ang room at ok ang aircon. Ang presyo niya per night for a superior room is around P4100 per night. With free buffet breakfast for two na yun.

 

FIRST DAY 

A friend recommended na puntahan daw namin ang Chiang Kai-shek Memorial.

 

“The most prominent historical landmark in Taiwan, the CKS Memorial Hall was erected in honor and memory of Generalissimo Chiang Kai-shek, the former President of the Republic of China, and was opened in 1980 as part of a national park and gathering area.”

 

 

“The characters behind Chiang’s statue read “Ethics”, “Democracy”, and “Science”, and the inscriptions on the side read “The purpose of life is to improve the general life of humanity” and “The meaning of life is to create and sustain subsequent lives in the universe”.”

 

 

“Below the hall is a museum documenting Chiang’s life and career, as well as exhibits about Taiwan’s history”

Kung mahilig kayo sa history at culture, maganda mag visit dito. Free naman po ang entrance.

SECOND DAY

Isa sa mga pinupuntahan ng mga tourist sa Taiwan ay ang Shifen Sky Lantern. Dito ang paper lantern ay sinusulatan mo ng mga wish mo.

 

Tapos papaliparin mo sa langit para makakarating kay God ang mga hiling.

 

Syempre ang wish ko para sa pamilya ko at para sa bansa natin.

Tapos dumiretso na kami sa Shifen Waterfalls kung saan dumaan sa suspension bridge.

 

 

Umaalog po iyan. Super kapit ako sa asawa ko kasi may fear of heights nga ako. Yung falls ok lang naman, pero mas maraming magandang falls dito sa Pinas.

 

 

Sa hapon ng second day pumunta kami sa Maokong Gondola, Taipei Taiwan. Gusto ko kasing maovercome ang fear of heights ko.

 

 

Sobrang taas talaga. Hindi ko nabilang kung ilang bundok ang nadaanan namin. Mode of transportation din ito sa Taiwan.

 

 

Sobrang kaba ko kasi glass din ang sahig ng cable car. Pero nilabanan ko takot ko. Masayang nakakakaba na experience.

After ng ride natikman ko ang pinakamasarap na milk tea sa isang cafe na malapit sa station.

 

THIRD DAY

Pumunta kami sa Taipei 101, dati ito ang pinakamataas na building sa buong mundo.

 

Pero ngayon pangatlo na lang siya.

Pagdating mo sa 89th floor, makikita mo ang kabuuan ng Taiwan.

Marami din doong souvenir shops.

 

If mahilig kayo sa mga signature things, like bags, shoes, watch etc. You can go to Taipei 101 Mall.

 

 

Masaya din ang night market nila. You can taste different kinds of street food.

 

 

Napaka progressive ng Taiwan, malinis at mayaman sa kultura at kasaysayan. 

I can recommend this sa inyo KaPAB kung gusto niyong magholiday outside Pinas. Di naman kailangan mag-apply ng visa to go to Taiwan.

I hope somehow nadala ko sa inyo ang Taiwan experience ko sa inyo.

 

Till The Next Travel,

PAB

P.S. Yung ibang pic cto.

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *