Pabibong Sagot ni Cayetano

Dear Secretary Cayetano,

Hindi ko alam kung wala kang alam sa trabaho mo or sadyang sipsip ka lang sa China.

Kahapon may hearing sa Congress at tinanong ka doon ng isang seryosong tanong.

Rep. Fran Castro: “Tayo, anong meron tayo pang-leverage sa China just in case?”

Tapos eto ang sagot mo?

Ganda ka Teh? Feeling mo, nasa question and answer ka ng Ms. Universe?

Hindi puwedeng gamitin mo yung napanalunan natin sa International Court? Or yung Republic Act 9522 also known as Philippine Baseline Law? Or kahit yung United Nations Convention on the Law of the Sea man lang?

Juiceko naman, top diplomat ka, tapos yan ang isasagot mo? Kung pinagtatabuyan ang mangingisda natin ng China, puwede bang sabihin nila na “May puso kami. Wag niyo kaming ipagtabuyan!”?

Top diplomat ka, umayos ka ha. Puso ka diyan! May puso nga pero wala ka namang bayag pagdating sa China.  Tse!

Yamot sa Pabibong Duwag,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *