PAB: Mr. President, May Naresearch Na Naman Po Ako

Dear President Duterte,

Kumusta po? Sabi din ni Panelo noong tinanong siya sa isang press briefing sa Malacañang na hindi niyo daw talaga kilala si Mr. Keng.

Kaya since then po, nagdecide ako na magresearch para po makatulong sa inyo. Lalo na ngayon na sa office niyo na po napunta ang pag-approve ng mga reclamation project.

 

Eh balita ko, nabigyan daw si Keng ng reclamation project sa Cavite.

Kaya importante na makilala mo siya. Naalala niyo po ba ang pinagmamalaki niyong mega rehabilitation sa Nueva Ecija?

Yung sabi niyo na donated ng isang Chinese na ang pangalan ay Huang Rulun?

Well, kilala niya si Keng! Isn’t it exciting? Ayun sa FOI request ng isang netizen, si Keng pala ang contact person sa pagbuild ng facility na yan.

 

 

Nagtaka lang po ako kasi hindi man lang naikwento sa inyo ni Mr. Hwang Rulun si Mr. Keng. Ang tagal niyong nag-usap noong inauguration ng mega rehab, hindi man lang naikwento na incorporator pala ng company ng mga anak niya  si Mr. Keng? Yung Century Hongyu Property Ventures Group?

Nakalimutan niya siguro no?  Hindi niyo tuloy nakilala yung isa pang taong tumulong sa mega rehabilitation center na proud na proud kayo.

Tapos eto pa, nag Google ako tungkol sa company ni Mr. Keng. Yung Century Peak? Tapos nakita ko to.

Nakita ko ang name na Venancio Sambar. Medyo familiar yung last name. When I googled it, lumabas ang PBA partylist. Di ba yung representative nila si Nograles? He is from Davao di ba? Yung second nominee ng partylist ang name ay Sambar din. Baka related siya isang director ng company ni Keng.

 

So naisip ko baka relatives sila ni Venancio Sambar, konti lang naman Sambar sa Pilipinas.

Kilala niyo po si Cong. Mark Sambar, kasi nakasama niya na siya sa mga campaign sortie niyo before, 2016 pa.

 

 

At may nakita pa akong picture na magkasama kayo.

 

 

Kung related family niya kay Mr. Keng, baka puwede niyo siyang tanungin para makilala niyo ng lubusan ang taong nagdemanda sa Rappler. Mukhang may pinagsamahan naman kayo eh.

Ayan tinulungan ko na kayo. Yung mga friend niyo kasi hindi man lang kayo kinikwentuhan, hindi niyo tuloy nakilala yung nabigyan ng milyones na reclamation project, sayang.

Huwag na po kayong magpasalamat. Sana po nakatulong ako. Kung may mga katanungan po kayo, message niyo lang ako.

Self-appointed Reasercher Ni Duterte,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *