PAB is Under Attack!

Hi Guys!

Malapit na tayong mag 35k, naalala ko noon nung halos 1k plus palang  tayo, every other night tayong naka FB live.  Sama-sama tayong tumatawa, naiinis at naninindigan. Sabay din tayong nalungkot nung unang na unpublished si PAB dahil sa pagreport ng mga Brand X.

Sabi ko noon sa sarili ko na I will protect this page no matter what. Natuto akong magboost ng post gamit ang sarili kong pera sa kagustuhan kong mas maraming makabasa ng post. At the amount of 40-80 pesos puwede ka nang magboost. Every salary ko, nagrereserve na ako agad ng pang boost fund. Hanggang ngayon ginagawa ko pa din naman.

Someone told me, that one way I can protect the page is to link it to a blog. Kaya nagblog ako. Kasi nga naman kung mareport at maunpublished man ang page may blog na maiiwan at magpapatuloy ng laban para sa katotohanan.

Napansin nyo po ba na may pagbabago?  Parang hindi nyo na nakikita sa news feed si PAB? Kasi we are under attacked. Orchestrated reporting ang ginagawa ng mga Brand X, kaya nilimitahan ng Facebook muna sa newsfeed si PAB pending investigation. Sumulat na ako ng appeal sa FB kagabi. Sinabi ko doon na hindi tayo fake news at ang mission ni PAB ay labanan ang kasinungalingan at ihayag ang katotohanan. Hindi niyo makikita si PAB sa newsfeed niyo until June 20, pero if maliwanagan ang FB baka mapagbigyan tayo na alisin na ang suspension ng mas maaga.

So for now kung gusto nyong mabasa ang mga post ni PAB, sasadyain niyo talaga sa FB page kasi nga suspended sa news feed niyo temporarily si PAB.  Everyday naman nagpopost ako ng iba’t ibang isyu na nangyayari sa bansa natin at wag kayong mag alala kasi kahit free data mababasa niyo pa din ang post. Pasalamat tayo at hindi tayo naunpublished. Kaya tuloy lang ang laban.

Sa inyo ko pinapaubaya ang pagbasa at pagshare ng mga post ni PAB sa mga profile or groups nyo.

Sama sama nating labanan ang kasinungalingan. Pagsubok to sa page natin. Gusto nila tayong patahimikin pero hindi tayo magpapatalo. Laban to para sa katotohanan, laban to para sa ating kinabukasan..

Mabuhay ang Pilipinong mulat!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *