Paano na ang mga Tao sa Boracay?

Dear President Duterte,

Napag desisyunan niyo na pala ang pagpapasara sa Boracay sa loob ng anim na buwan.

Ganoon kabilis? Nasaan na po yung technical study exploring its costs and benefits and laying down detailed contingency plans. May ginawa na kayo? May pahayag ang mga tao doon oh.

Saan niyo po ilalagay ang mga mawawalang ng trabaho? Paano po ang mga pag-aaral ng mga anak nila? Ayan po sabi ng DOLE, hindi nila kayang bigyan ng trabaho ang mga taong mawawalan ng work doon.

Paano na mga pamilya nila? Paano ang mga sikmura ng mga anak nila? Puwede po ba this time piliin niyo naman ang mga Pilipino na umasa sa niyo?

Puwede naman by phase ang pag ayos di ba? Bakit kailangan buong Boracay? Para mapadali ang construction ng Casino ng bff niyong Tsekwa?

Mr. President, isipin niyo naman ang kapakanan nila. Please lang maawa ka sa mga taong umaasa sa kinabubuhay nila sa isla. Pakinggan niyo hinaing nila. Maawa kayo sa kanila.

Paano na sila, Mr. President?

Sobrang Galit Na,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *