Paano Mo Maalis Sa Isipan Ng Isang Musmos?

Dear KaPAB,

Masakit sa dibdib habang binabasa ko ito.

Huwag Mo Akong Iwan. parang Awa Mo Na”

Sa umpisa pa lang ng paglalahad ng isang batang 8 taong gulang ay nanginginig at napapa-iyak siya kapag naaala-ala nya ang pagmamaka-awa ng kanyang ama na huwag siyang iiwan sa kamay ng Kapulisan.

“Huwag mo akong iwan. parang awa mo na” sabi ng kanyang ama sa kanya. Nangyari ito sa isang masikip na kalsada ng Caloocan City, habang bit-bit sa pamamagitan ng paghawak sa bewang ng pantalon at sinasakal sa leeg ang kanyang ama at nag mamaka-awa na huwag siyang iiwan.

Nagkahiwalay ang mag-ama sa pagpasok sa gate, tinulak ng isa sa mga pulis ang bata, “Lumayo ka dito, kung hindi papatayin ka rin namin”. Iyon ang huli nilang pagkikita at wala pang isang minuto ay nadinig na niya ang sunod sunod na putok ng baril. Ito din ang paulit-ulit na ala-ala ang pumapasok sa kanyang panaginip. Ang pag-iyak at panginginig at awa sa kanyang ama ang siyang gumigising sa kanyang pagkakatulog ilang gabi na ang nakakalipas.
#Caloocan #CaloocanCity #StoptheKillings #everydayimpunity

Hanggang kailan tayo ganito? Maraming bata na ang naulila at mga magulang na nawalan na ng mga mahal sa buhay.

Kaya pa ba?

Naaawa sa Bayan ko,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *