Paano kung Ganito ang SONA?

Kung napapansin niyo lahat kami taga Mindanao dito. Si Koko at si Bebot mga mga kasangga ko yan eh. Pag sinabi ko susundin ng mga to. Walang top 1, top 1 sa akin sa Bar, di ba Senate President? Ako ang bida at matalino dito.

Ngayon ako ay inatasan na ilahad sa inyo ang estado ng bansa natin ngayon. Pero bago yan, “Hoy, Brilliante ayusin mo ang camera mo ha, baka kuko ko naman ang ipakita mo, pag uuntugin ko kayo ni Martin.”

Hindi ko na kayo, iisa-isahin, hindi ako puwedeng tumayo ng matagal. Magandang hapon sa lahat.

Ating balikan ang mga pinangako ko sa inyo. Simulan natin sa pinakapaborito ko. Droga.  Sa ngayon sabi ng PNP singko mil palang daw ang patay sa tokhang.   Pinagsabihan ko si Bato kanina bakit ang bagal nilang kumilos eh, 3 million ang mga addict. Sinagot ba naman ako na drama lang daw kasi ang totoo malapit na daw mag labing tatlong libo (13,000) dinadaya lang daw nila para hindi mapansin ng human rights. Beri good talaga ang kalbo na to kahit mukhang tanga minsan. Isipin mo pumunta ng Marawi, naka full battle gear lalamon lang pala ang pu*@$*ina.

Alam niyo yang tokhang double purpose yan. Hindi lang ako maintindihan. Pag may tokhang, nababawasan ang mga addict at mababawasan din ang mga mahirap.  Di ba pangako ko noong kampanya yan?  Na babawasan ko ang bilang ng mga mahihirap? Sa loob ng isang taon bawas na sila ng 13000. Isa yan sa mga achievement ko sa loob ng isang taon. Wala bang papalakpak?  (Applause)

Pero may problema pa din sa Bilibid dami pa ding droga. Hindi ko naman puwedeng gipitin ang mga drug lord kasi sila ang mga imbento kong testigo sa kaso ko kay Leila. Ngayon nga humihingi na naman ng Jacuzzi at Sauna ang mga p*@[email protected] Abuso no?  Spoiled kasi sa Wigman ko, este Wingman pala.

Ang di ko maintindihan bakit ang mga droga laging nahuhuli sa Davao.

Tinawagan ko si Polong at tinanong ko kung bakit, sabi ba naman sa akin ng gago, “busy ako Dad yow, saka na tayo mag-usap, Dad yow”. Ang anak ko, kung magsalita parang bangag.

Bigyan niyo lang ako ng sapat na panahon mauubos din ang droga. Mga poreber. Payag ba kayo mga uto-uto?  (YES, mas malakas sa hanay ng kongreso)

KRIMINALIDAD

Wala nang masyadong nagnanakaw ngayon. Pero dumami  naman ang rapist. Malay ko ba na idol ako ng mga yan. Joke lang naman sinabi ko na icoconggratulate ko sila pag mang rape sila ng Ms. Universe.  Aba, nang rape nga ng beauty queen. Ayun pinadalhan ko ng congratulatory card pero pinagsabihan ko din ang mga gago na “Dapat Mayor ang mauna “.

CORRUPTION

Binatikos niyo si Cesar Montano na corrupt daw, caring lang yung tao sa pamilya at kasambahay kaya dun lahat nagtatrabaho sa opisina niya. Hindi corruption yun. Mapagmahal sa pamilya lang siya.

Yung sa bribery issue naman ka Aguirre, ano pa ba naman ang nirereklamo eh di ba nung mahuli ay sinauli naman?  So walang kaso yun.

Yung sa kay Wanda Teo, na tsismis na nanghihingi daw ng ng imported na sapatos sa mga sponsor?  Wala pang tinatawag sa 8888 at hindi pa naipapalabas sa “Isumbong mo kay Tulfo”so baka tsismis lang.

Yung si Martin Diño na may 16 bodyguards? OK lang yun, hindi ko puwedeng galawin yun, malaki utang na loob ko dun. Pumayag yun sa drama ko nung election eh, so hindi ko yan masisibak. binigyan ko na nga ng trabaho ang anak ang partner ng anak, ang ibang mga pinsan,  baka pati aso nila gawin ko na lang presidential dog. Alam niyo na utang na loob .

Wag na nga nating pag usapan ang corruption na yan, allergic ako diyan. Corruption makes me sick. kaya siguro ako laging may sakit ngayon.

TRANSPORTATION

Alam ko pinangako ko sa inyo na kakayanin kong masolve ang traffic in 100 days at naniwala naman kayo, mga uto-uto. Ang totoo niyan sinabi ko lang yun, pero hindi ko talaga alam kung saan ako magsisimula sa pag solve ng problema ng traffic na yan. hindi naman ako taga Manila, taga Davao ako, malay ko ba. Natawa nga ako dito kay Tugade, kasi daw gagawa daw ng cable car sa Manila.  Gagayahin daw sa Colombia. Puro salita walang plano, kaya nga sila kinuha ko, para hayahay lang ako, pero puro kabobohan naman binibigay na solution.

Etong issue sa MRT, hayaan ko na lang diyan mag away yung anak ni idol Macoy at si Mar, habang nag aaway sila, nakakalimutan ng mga tao ang pangako na sosulusyunan ko ang problema sa MRT.

Sumabay pa ang isyu sa Uber at Grab.  Kaya lang naman hindi sinuspinde ng LTFRB ang application nila, kasi nga naaawa ako sa mga taxi driver, lalo na sa kaibigan kong si Bong Suntay. Ang laki ng nawawala sa kanya, eh laki ng utang na loob ko diyan. mas importante ang utang na loob kaysa libo-libong commuter.

EKONOMIYA

Yung Dutertenomics na palagi niyong naririnig, hindi ko talaga alam yan, malay ko ba naman sa ekonomiya, ang alam ko lang, “drugs, drugs, drugs”. Sabi sa akin, mag “build, build, build” daw kami. Pero bago yan mag “loan, loan, loan” muna daw. Kaya sinabi ko sa China mag loan, sinagot ba naman ako na mataas ang interes ng China at baka daw matulad tayo sa Venezuela, binatukan ko nga ang mga p#$%^&*ina , pinagsabihan ko na wag siraan ang China, malaki utang na loob ko sa mga yan. Sinabihan ko na sa China mag loan kahit malaki interest kasi 16 million na uto-uto naman magtatanggol sa akin. Etong si Diokno, nagtanong pa, kung paano daw tayo magbabayad eh yung reserve natin depleted na. Sabi ko lagyan ng buwis lahat ng bagay, ultimo asin at asukal, pati ang remittance fee at balikbayan boxes ng mga OFW, hindi naman sila magagalit eh, mga uto uto mga yan, mahal na mahal daw nila ako. at kung sakali man malibing tayo sa utang, kayang kaya niyo yan kasi hindi na rin naman ako magtatagal, pabayarin niyo sa kaapo-apohan niyo, magtiis kayo, binoto niyo ako eh.

SWELDO

Yung pangako na doble sweldo sa mga sundalo, pulis at teachers baka hindi pa ngayon, medyo napasobra ang gastos ko sa mga junket na pinuntahan ko eh. Eto kasi sila Mocha, Thinking Pinoy at iba ko pang mga alipores, gusto lagi nakabuntot sa akin. Tapos sumasama pa ang mga walang position sa gobyerno, katulad ni Phillip Salvador, Sandra Cam at Robin Padilla. Hindi ko naman matanggihan kasi mga supporters ko mga yan, malaki utang na loob ko. Kaya kayong mga guro at sundalo, tiis-tiis muna kayo magbabayad pa ako ng utang na loob. Mas imporatente sila kaysa inyo.

CONTRACTUALIZATION

Di ba sabi ko sa inyo noon ““the moment I assume the presidency, contractualization will stop”? Sabi ko lang yun, para iboto niyo ako. sabi ko pa nga one week lang, stop na. Medyo exaggerated no? Pero napaniwala ko kayo. Ang importante binoto niyo ako, at dahil diyan matuto kayong maghintay kung kailan yan matutupad. Nangako na nga ako, kinukulit niyo pa akong tuparin, sobra na kayo. Wag kayong atat, mga pu#$%@&ina, kayo.

MINING

Yung sa mining naman, pinagbigyan ko na kayo sa paghire ko kay Gina, pero ayaw ng Commission Of Appointment sa kanya eh, wala na akong magagawa dun. Saka mababait naman ang mga taga Nickel Asia eh, laki nag binigyan niyan sa akin sa election. Pinahiram ako ng helicopter, saan ka pa? Kaya hayaan natin sila mag mining. Wag nang pansinin ang mga enviromentalist na yan. Maaarte lang yan.

PEACE TALK

Wag na tayong mag peace talks. Nagalit na mga sundalo baka mag kudeta pa mga yan.  Kaya kunwari, mumurahin at hahamunin ko si Joma Sison. Hindi yan magagalit kasi kapapalaya ko palang ng 10 political prisoner. Papalamigin ko muna ulo nig AFP, pag mapalitan na si General Año at Lorenzana, baka peace talk uli. Alam niyo naman ako maka kaliwa talaga.

PANATAG SHOAL

Wag na kayong umasa na sasakay ako ng jet ski or ipaglalaban ko ang teritoryo natin, mas importante si Kumpareng Xi Jinping.

So far ang natupad ko palang sa pinangako ko ay ang pagpapalibing kay Marcos sa libingan ng mga bayani at saka yung makakalaya si GMA, pero yung kay GMA magaling naman talaga mga abogado nun, konting bulong lang ginawa ko sa Sandiganbayan. At saka yung it will be bloody at papatayin ko ang 3 million drug addict. So far on target naman ang bata ko na si Superintendent Marcos, medyo humahabol sila ngayon sa quota kasi kababalik ko palang sa kanya sa pwesto.

Ang haba na ng sinabi ko ha, yan ang kalagayan ng bansa ngayon. Wag kayong reklamador kasi ako ang nanalo at binoto ng 16 milyon na uto-uto.

Bago ako magtapos, gusto kong pasalamatan si Martin Andanar at Mocha kasama ng mga iba pang propagandist ko, na salamat sa fake news at sa pag bash niyo sa dilawan, hanggang ngayon mataas pa din ang approval rating ko.

Wag kayong mag alala, malay niyo matupad ko din mga pangako sa takdang panahon, ngayon hayaan niyo muna na kayo magbayad sa utang na loob ko, binoto niyo ako eh. Tiis tiis muna mga bes.

Daghang salamat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *