Paano Kung Bukas Wala Na Ang Kalayaan Mo?

Dear KaPAB,

Bukas SONA na ni President Duterte. Sabi ng kanyang mga alalay may surprise daw si Duterte bukas. Maraming haka-haka kung ano ang puwedeng mangyari.

1.) Pwede nyang ipush ang Federalism by convening the congress in a joint sesion.

Ang federalism na kung saan lahat ng kapangyarihan ay nasa kamay niya.

2) Puwedeng ipilit pa rin ang revolutionary government kasi gusto nya in full control sya tapos declare nya ang Federalism.

3). Pwede sya mag declare ng Martial Law kung ayaw ng Congress tangapin yung draft ng federalism.

4) Puwedeng the usual po siya. Magmumura, manlalait, mambubwisit lang at tapos manguuto uli.

Sana yung pang apat lang ang gawin nya. Pero paano kung bigla niyang gawin ang any of the first 3? Kaya mo bang ipaglaban ang kalayaan mo? Kailangan mo bang ipaglaban ang bayan mo?

Suportado ko ang nabasa ko sa twitter. Puwede kaya to?

Pag nangyari ang con-ass, sobrang pambabastos na ng administrasyon ni Duterte sa mga Filipino.

Handang Ipaglaban ang Bayan Ko,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *