Paano kung anak mo si Kian?

Tay patawarin niyo po ako,
Hindi ko na po matutupad ang pinangako ko..
Hindi ko na po kayo matutulungan..
Hindi ko na po kayo maalagaan..

Binaril nila ako Tay..
Wala akong kasalanan..
Dinampot nila ako habang bumibili po sa tindahan..
Sinikmuraan nila ako Tay..

Umiiyak po ako Tay habang nagmamakaawa..
Binigyan nila ako ng baril iputok ko daw..
Hindi ko ginawa Tay, kasi ayokong manlaban..
Pero binitbit pa din nila ako..

Pinatakbo ako nila Tay…
Sigaw sila ng sigaw..
Nagmakaawa ako ” Maawa po kayo, Ser”
Pero tinutulak ako nila para tumakbo

Tumakbo na lang ako Tay.
Narinig ko ang putok ng baril..
Alam kong ako ang natamaan…
Nasa isip ko sinisigaw ko po ang pangalan niyo
“Tay,tulungan niyo ako, ang sakit..”

Sa paglisan ko sa mundo Tay,
Humihingi ako ng paumanhin..
kasi hindi ko na kayo mayayakap..
Hindi ko na kayo maalagaan..

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *