Paano Ka Pa Nakakatulog sa Gabi Harry Roque?

Dear Harry Roque,

Grabe ang pagbabago sa paninindigan mo no? Kanina ginamit mo ang tatlong mangingisda para lang ijustify ang kaduwagan niyo sa China.

Dati mo silang kliyente. Pinagtanggol mo dati ang karapatan nila.

Pero ngayon, pilit mong minamaliit ang nangyayari sa kanila. Para sa yo hindi sila nahaharass?

Paano mo naaatim ipikit ang mga mata sa kanilang dinanas?

Paano mo nasasabing hindi sila nahirapan sa sarili nilang karagatan?

Sobrang pag-apak na sa pagkatao nila, pero kayo sipsip pa din sa China

Hindi ko alam kung matatawa or maiinis sa sinabi mong ito.

Sa tingin mo ba noodles at tubig ang katumbas ng dangal ng mga Pilipinong mangingisda? Niloloko niyo ang taong bayan. Puro kayo propaganda, habang ang teritoryo natin pinamimigay niyo na sa China.

Isa kang duwag. Wala kang puwang sa Senado.

Yamot sa Manggagamit,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *