Paandar Ni Andanar kay Mocha

Dear Secretary Martin Andanar,

Minsan natatawa na lang po ako kung paano mo dinedepensahan ang pagkakamali ng mga alipores mo. Remember this? Resibo.

Kung saan ginawa niyong chatroom ang PNA government website?  Ang excuse mo ay cyber attack? Resibo.

Sabi mo pinapa imbestigahan niyo sa NBI, bakit walang nangyari? Aruuu excuses, excuses  excuses.

Pero nakakabother kasi yung paulit ulit na word na reangle. Resibo.

Parang bang gusto niyo lagi pabanguhin ang imahe ng gobyerno. Parang konting ligo na lang fake news na.

Then about naman kay Ate Mocha and fake news, ang sinabi mo. “If you don’t like it, don’t read it. Resibo.

Luh, grabe sya imbes sawayin mo si Ate Mocha sa pagkakalat kinukunsinti mo pa. Nakakahiya naman sa inyo tax na nga namin ang sweldo sa inyo, kami pa ba mag aadjust sa kapalpakan niyo? E di wow!

Sabi niyo own view ni Ate Mocha whatever ang post niya sa kanyang account. Resibo.

Eh bakit sya may staff sa pagpopost niya sa personal account niya? Resibo.

Mismo niya inamin niya na may staff sya helping her pagpost in her personal account at hindi government account. So ibig sabihin aside sa kanya may sweldo din na binabayaran ang bayan sa staff niya?

Wag kami sa palusot na yan sir Martin, kwento niyo yan sa pagong.

Imbes na sawayin niyo ang mali niyang ginagawa, kinukunsinti niyo pa. Alalahanin mo buwis ng bayan ang nagpapasweldo sa inyo, karapatan namin magdemand ng tamang trabaho.

Yamot sa Palakang Nagpapalusot,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *